BILIHAN NG PRINTER AT CONSUMABLES AT PLAIN TSHIRT
Nagbabalak kang mag simula ng maliit na Printing Business na personalized na produkto, matapos mapanuod ang aking Photoshop Basic Tutorial patuloy na basahin ang mga article na aking sinusulat sa blog na ito kailangan malaman mo din ito kung saan ang supplier pag canvass ng mag materyales marami pa akong mga alam na alternative na supplier bukod sa lugar na ito, Ito ay kilala sa ngayon ng mga printing shop owners kung noong araw ang Raon ang kilala sa mga electronics na kagamitan dito naman ay mga printing equipments. Basahin din po natin ang article na ito " ANO ANO ANG MGA GAMIT NA KAILANGAN SA DIGITAL PRINTING"
Saan ang bilihan ng mga Equipment at Consumable para sa Digital Printing?
Odeon Terminal Mall
810 Rizal Ave, Santa Cruz, Manila, 1003 Metro Manila
Dito mo makikita ang sari-saring kagamitan para sa digital printing at mga consumables. Halos tabi tabi ang store dito. makakapili ka ng mga gamit na affordable sa budget mo.
Mula ground floor hanggang sa taas ay puro printing equipment at supplies ang makikita mo.
caps, fan, mugs, lace, tshirt, tarpaulin rolls, stickers, photopaper, bondpaper, printers, copier maging large printer ay meron dito. Dito mo rin matatagpuan ang store ng Honjet supplier ng large printer (DTP printer, Sublimation Printer, Tarp Printer)
Mahirap ang parking dito kung ikaw ay may dalang sasakyan (four wheels). Kung motorsiklo ang dala mo maari kang mag park sa harapan at gilid ng mall ito ay pay parking may lalapit sayo pay parking attendant na may ticket ng City Hall ng Manila.
Kung ikaw ay may dalang sasakyan mahirap mag park sa mismong Odeon Mall maari kayong mag park sa katabing mall Tulad ng Isetann Recto
Juan Luna Street, Manila (Near Divisoria)
Bilihan ng mga Plain Shirt bagsakan mura at mga kalidad.
Kung kagagaling mo lng sa Odeon Terminal Mall diretsohin mo lng ang kalye ng Recto Ave. pa Divisoria Tutuban Mall hindi ako sigurado kung pwede magparking sa gilid ng Street ng Juan Luna baka ma tow kayo sa Tutuban Mall ako pumaparada.
Dito sa Street na ito halos Store ng mga plain shirt tulad, Black Horse, Yalex, Softex, Blue Corner at mga premium Shirt Tulad ng Gildan at marami pang iba na patok na patok sa CLOTHING LINE business dahil sa quality ng tela nito na parang mga nabibili sa mall na mga branded. Maraming paraan din para makapag print ng Tshirt.
1. Vinyl, dark, transfer and light transfer
2. Sublimation
3. DTF (Direct to Film) bagong technology na parang branded ang dating ng tshirt.
Kung madami kang bibilin siguradong swak na swak ka dito. Mas makakatipid ka kung by dozen ang bibilin mo per size at per color.
Agahan mo lang ang pag punta dito dahil noong pumunta kami mag 5:00 na ng hapon pasarado na halos lahat ng store
Open Parking Tutuban Mall Along Recto Ave.
Gildan Store, Juan Luna St. Manila
Juan Luna St.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
Thank you for your comments